Kelot kinatok sa bahay bago pinatay

Bernard Galang Jul 16, 2025
253 Views

TODAS ang 26-anyos na lalaki noong Miyerkules nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Tarlac City.

Kinilala ang biktima na si Kenneth ng Sitio Tañedo, Brgy. Aguso, Tarlac City.

Base sa imbestigasyon, narinig ng isang saksi na may kumakatok sa pintuan ng biktima at nakitang pumasok ang mga lalaki sa bahay.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ang biktima na humihingi ng tulong na nagsasabing, “tulong, tulong, pinasok kami” at pagkatapos nakarinig ng apat na putok ng baril at nakita ang tatlong lalaking nakasuot ng facemask na nagmamadaling umalis sa bahay ng biktima.

Nakita ng mga rumespondeng tauhan ng Tarlac City police ang wala nang buhay na katawan ng biktima at sinusuri na ang CCTV footage sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.