Calendar

Kelot kumasa sa parak, arestado na sugatan pa
CABANATUAN CITY — Nadakip ng mga pulis ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw sa bahay matapos ang shootout noong Huwebes na ikinasugat ng suspek.
Ayon kay Nueva Ecija cop chief Col. Ferdinand Germino, naganap ang nakawan alas-7:00 ng umaga sa bahay ng 40-anyos na lalaking biktima sa Purok 4, Brgy. Sapang sa siyudad na ito.
Nanlaban ang suspek at pinaputukan ang mga pulis kaya nasugatan at isinugod sa ospital.
Narekober sa engkwentro ang paltik na cal. 38 revolver ng suspek, tatlong mobile phone, cash at ID.
Nadiskubre na ang 27-anyos na suspek may dati ng criminal record sa paglabag sa RA 10883 (Bagong Anti-Carnapping Act).
Inihahanda na ang mga kasong robbery, direct assault at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms Law) na isasampa laban sa suspek.