Suspek

Kelot laglag sa panggagahasa

11 Views

ARESTADO ang obrero dahil sa panggagahasa noong Sabado sa Brgy. San Juan Cainta, Rizal.

Nahuli ang suspek na si alyas Axel, 40, ng Cainta police Station dakong ala-1:15 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge ng Regional Trial Court Purita Deynata ng Fourth Judicial Region, Branch 98 ng Antipolo City.

Dinakip ang suspek dahil sa kasong qualified rape at qualified object rape.