Calendar
Kelot may dalang baril, mga bala, expired na lisensiya; pasok sa selda
AGAD dinakma ng mga pulis nitong Martes ang isang lalaking may dalang baril at mga bala sa V Luna St., Barangay 4, Tanauan City, Batangas.
Ang suspek na kinilalang si alyas “Roden” ay sinilbihan ng search warrant dahil umano sa paglabag sa RA 10591.
Ang search warrant ay isinilbi ng pinagsamang tauhan ng PIU-BPPO, Tanauan CCPS & 1st BPMFC, na inilabas ni Vice Executive Judge Nevic C Adolfo, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83 ng Tanauan City, Batangas, na may petsang Agosto 27, 2025.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang kalibre .45 pistol; tatlong magazine, 51 bala para sa kalibre 45, 50 bala para sa kalibre.380, at apat na bala para sa .9mm,
Nagpakita ng mga dokumento ang suspek na may kinalaman sa nasabing mga baril, ngunit nang beripikahin, ang kanyang LTOPF ID ay nag-expire na noong Abril 20, 2024.
Nasaksihan ang nasabing operasyon ng mga opisyal ng Brgy. 4 ng Tanauan na sina Juan R Gonzales at Paulo I Bejen.

