Rape

Kelot na katulong kulong sa rape

24 Views

Rape1Rape2KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Naaresto ng mga kapulisan noong Lunes ang isang itinuturing na Regional Most Wanted Person na may kasong panggahasa sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Mabayabas, Taysan, sa lungsod na ito.

Ang suspek ay kinilala ni PCol. Oliver B. Ebora, Acting Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), na si alyas Nico, 29, binata, helper, at residente ng San Carlos City, Negros Occidental.

Nadakip ng magkasanib na puwersa ng Batangas Component City Police Station at San Carlos Component City Police Station ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58 ng San Carlos City noong June 19, 2015.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ginamitan ng Alternative Recording Device (ARD) ang buong operasyon at agad na ipinabatid sa suspek ang kaniyang mga karapatan ayon sa Saligang Batas.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa City Police Station Custodial Facility ng Batangas habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa pinagmulang hukuman.