Boga Kinilala ni Police Major Fredwin Sernio ang natimbog na suspek matapos masabat sa kanya ang cal .38 na baril sa Sta. Cruz, Manila.

Kelot na may boga tiklo

Jon-jon Reyes Mar 3, 2026
115 Views

SWAK sa selda ang lalaking nahulihan ng baril ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 sa M. Hizon St., Brgy. 367, Sta. Cruz, Manila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas John Ryan, 28, ayon kay Police Major Fredwin Sernio, chief ng MPD Intelligence and Warrant Section.

Natiklo ang suspek bandang alas-10:28 ng umaga nina P/Capt. Reydel Closa, Chief ng Sta. Cruz police station investigation section.

Kasama sa humuli at nakasabat ng cal .38 pistol at anim na bala sina PSSg Jullius Hariel Laurente, PSSg Gerck White Cezar at PSSg Gerald Sta. Teresa.

Nahuli si alyas John Ryan sa tulong ng search warrant na inisyu ni Judge Rosalyn Mislos-Loja, Presiding Judge at 1st Vice-Executive Judge ng RTC Branch 41 ng Manila.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag na RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).