Calendar
Pinuri ni NBI Director Atty.Melvin matibag ang operasyon ng mga ahente ng NBI-NCR laban sa suspek sa 176 counts ng qualified theft sa Muntinlupa.
NBI-NCR tiniklo suspek sa 176 counts ng theft
NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) noong Miyerkules sa Muntinlupa City ang suspek sa 176 counts ng qualified theft at nakakulimbat ng P5,277,131.88 sa kanyang employer.
Ang suspek ay nagsilbi bilang administrative executive sa kompanya na namamahala sa pagbabayad sa mga supplier at nagpapautang.
May access sa online banking system ng kompanya ang suspek kaya naisagawa ang sandamukal na pagnanakaw, ayon sa report.
Nalaman na ang suspek ay ilegal na naglipat ng malalaking halaga ng pera sa 176 na magkakahiwalay na okasyon papunta sa kanyang personal banking account nang walang pahintulot ng mga opisyal ng kumpanya.
Nasaksihan ng mga ahente ng NBI ang suspek na nagsasagawa ng hindi awtorisadong paglilipat ng mga pondo ng kumpanya sa kanyang personal account.
Pinuri ni NBI Director Atty. Melvin Matibag ang mga ahente ng NBI-NCR sa kanilang aksyon laban sa suspek.
“Kami ay nakatuon sa pagprotekta sa integridad ng aming sektor ng negosyo at pagtiyak na ang mga gumagamit ng kanilang administratibong pag-access upang dayain ang kanilang mga tagapag-empleyo ay haharap sa buong pwersa ng batas,” ayon sa NBI.

