Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar
Provincial
Kelot naglalakad pinagbabaril, utas; suspek nakatakas
Gil Aman
Nov 17, 2024
132
Views
TODAS habang naglalakad sa Brgy. Banca-Banca, Nagcarlan, Laguna noong Huwebes ang lalaki ng biglang barilin ng nakatakas na suspek, ayon sa report.
Ayon sa Nagcarlan police, naglalakad ang biktima dakong alas-11:00 ng umaga sa Purok 5 ng Brgy. Banca Banca ng biglang sumulpot ang motorsiklo at saka binaril ang lalaki.
Sa mismong crime scene nautas ang biktimang kinilala na si alyas Renato.
Sinabi ng pulisya na ilang bala ang tumama sa biktima na dahilan ng kanyang dagliang kamatayan.
Tumakas ang suspek papunta sa hindi batid na lugar sakay ng motorsiklo na naka helmet, face mask at jacket.
SEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
Apr 2, 2025