Biktima Ang biktima habang kinukuhanan ng salaysay ng mga rumespondeng pulis ng Manila Police District sa Tondo Medical Center. JONJON C. REYES

Kelot nakaligtas sa taga ng jungle bolo

Jon-jon Reyes Oct 24, 2024
7 Views

HIMALANG nabuhay ang lalaki na pinagtataga ng jungle bolo matapos mapagkamalang magnanakaw ng kapitbahay niya sa Helpeng Complex sa Brgy.105, Tondo, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Eusebio Buri at pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Kagurang na tumakas matapos managa.

Base sa salaysay ng biktima, habang tinatanggal niya ang isang piraso ng kahoy na nakasandal sa dingding ng kanilang bahay, bigla siyang nakita ng suspek at pinaghihinalaang may ninanakaw sa kanyang bahay.

Doon na naganap ang mainit na alitan sa pagitan ng suspek at ng biktima kung saan biglang bumunot ng bolo ang suspek at tinaga ang huli, ayon kay Police Capt. Eric Casuncad.

Dinala ang biktima sa Tondo Medical Hospital at patuloy pang ginamot ng attending physician na si Dr. Kim Ronquillo.