Droga Source: PNP

Kelot nalambat sa ilegal na droga

Bernard Galang Jun 9, 2025
14 Views

ARESTADO ng mga pulis ang isang drug suspect noong Linggo sa Guagua, Pampanga, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.

Kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang suspek na si alyas Tomen.

Nagsilbi ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 53 ng Guagua, Pampanga sa suspek ang mga miyembro ng tracker team mula sa Guagua police sa bahay ng suspek para sa kasong pangangalakal ng ilegal na droga.

Nakakulong ngayon ang akusado sa istasyon ng pulisya ng Guagua.