Calendar
Kelot nasakote sa sandamukal na sex cases
TIMBOG ang 72-anyos na lolo noong Sabado sa Las Piñas City na akusado ng maraming bilang ng acts of lasciviousness at sexual assault sa kanyang naging biktima.
Nahuli si alyas Carmino sa Brgy. CAA, Las Pinas sa bisa ng warrant of arrest galing kay Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Nerina Anastacio Mendinueto ng Branch 199.
Natiklo ang suspek sa pamumuno ni Las Piñas police chief P/Col. Wilson Delos Santos.
Sa kanyang ulat kay SPD Director P/BGen. Randy Arceo, sinabi ni Col. Delos Santos na wanted sa maraming bilang na kasong acts of lasciviousness at sexual assault ang akusado na ngayon ay nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas police.
Naglaan ng piyansang P180,000 sa bawa’t bilang ang hukuman sa kasong acts of lasciviousness habang P200,000 sa bawat bilang ng sexual assault.

