Calendar
Metro
Kelot sa QC nadale ng brain injury, dedo
Melnie Ragasa Jimena
Jul 4, 2025
395
Views
PATAY ang 17-anyos na lalaki na nirespondehan ng mga barangay tanod matapos humingi ng tulong noong Huwebes sa Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon, alas-11:35 ng gabi ng makatanggap ng tawag ang mga barangay tanod ng Brgy. Unang Sigaw hinggil sa lalaking nakahandusay sa NDR Camachile ng nabanggit na barangay.
Nirespondehan ang menor de edad na biktima, ayon sa report.
Dinala ang lalaki sa Quezon City General Hospital (QCGH) subalit nagpupumiglas ito at tila nawawala na sa sarili kaya itinali upang hindi na makasakit pa.
Bandang alas-2:31 ng hapon nang ideklarang patay ang lalaki bunsod ng hypoxic brain injury.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

