Calendar
Kelot walang habas na binaril tigok
TODAS ang lalaking biktima ng walang habas na pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City noong Huwebes.
Naganap ang pamamaril bandang alas-6:30 ng gabi sa tapat ng isang bahay sa Brgy. Gulod.
Ayon sa imbestigasyon, may testigo na nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa kalapit na lugar.
Pagsilip sa labas ng suspek, nakita niya ang dalawang lalaki na sakay ng pink-grey na motorsiklo na tumakas patungong Villareal St.
Natagpuan ang biktima na nakahandusay sa kalsada at duguan.
Rumesponde ang Scene of the Crime Operatives ng QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PMaj. Michael Jabel at nagsagawa ng imbestigasyon.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang biktima at narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala, isang deformed na bala at isang maliit na plastic sachet na may laman umanong puting kristal na substance.

