Calendar
Kevin ginawang interpreter si Tony dahil kay Herlene
HINDI nakakaintindi ng Tagalog ang Thai-Irish model-turned-actor na si Kevin Dasom kaya hindi niya masakyan ang pagpapatawa ni Herlene Budol na bida sa ginagawa niyang ‘Bituing Marikit.’
Panay nga ang tanong ni Kevin sa kasama niyang leading man na si Tony Labrusca kung bakit nagtatawanan ang mga tao kapag nagsasalita si Herlene. Kapag na-translate na ni Tony, dun lang matatawa si Kevin.
Dahil first teleserye ni Kevin ang ‘Binibining Marikit,’ maganda ang naging experience niya lalo na raw nung nag-taping sila sa Japan last year.
Ang masasabi niya kay Herlene ay: “Probably the best leading lady that GMA can offer right now, in my opinion. If I would rate her? I don’t think 10 does justice. 10 does not do Herlene justice.”
Sa tangkad na 6’2”, dalawang beses nang nanalo sa male pageants si Kevin. Una as Mister Supranational Thailand 2018 at pangalawa as Manhunt International 2024.
Bukod sa modelling, mahusay din sa basketball si Kevin.
Pumirma ang isa sa hottest hunks of Thailand with Sparkle ng GMA noong December 2024.
Kristoffer at misis na si AC tatlong taon na
NAG-CELEBRATE ng kanilang 3rd wedding anniversary sina Kristoffer Martin at AC Banzon.
Pinost ng Kapuso hunk via Instagram ang romantic date nila ni AC sa isang restaurant.
“Tatlong taong kasal. Mahal kita palagi @acbanzooon,” caption pa ni Kristoffer na ikinasal kay AC noong February 3, 2022 sa Capas, Tarlac.
Bago nga raw magsimula sa taping si Kristoffer sa teleserye na ‘Cruz vs. Cruz’ with Vina Morales and Gladys Reyes, sinusulit niya ang mga travel vacation kasama ang kanyang misis at ang 8-year old daughter nilang si Pré.
Last month ay nagliwaliw sa Japan ang pamilya ni Kristoffer kunsaan nabisita nila ang Mount Fuji and Tokyo DisneySea.
Nagpapakundisyon din si Kristoffer ng katawan niya sa pagsali nila sa ilang triathlon events.
Josh muling inawit ang theme song sa show ni Barbie Hsu
NAG-PAY tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang singer-turned-doctor na si Josh Santana.
Si Josh ang umawit ng Tagalog version ng theme song na “Qing Fei Di Yi” na mula sa pinagbidahang Taiwanese series ni Barbie kasama ang F4 na Meteor Garden.
On Instagram, binigay ni Josh ang request ng netizens na awitin ang “Can’t Help Fallin.”
“I’ve been asked to sing this so many times before and I’ve kept many people waiting because of my busy schedule. However, I can no longer keep an entire generation of Meteor Garden fans waiting most especially now that we all would like to pay tribute to the one and only Barbie Hsu who gave life to the character of Shan Cai,” caption pa niya.
Originally sung by Taiwanese artist Harlem Yu, “Can’t Help Fallin” was released in Tagalog by Josh in 2004, shortly after Meteor Garden premiered in the Philippines.
Josh Santana is now a doctor and online content creator. Naging regular performer noon sa ASAP si Josh at naka-pareha si Carol Banawa sa teleserye na ‘Bituin’ noong 2002.