Shot

Killer gumagala sa Antipolo, binata tadtad ng bala, tigok

Edd Reyes Nov 10, 2025
500 Views

BLANGKO ang pulisya sa motibo na pagpatay sa 34-anyos na binata na tinadtad ng bala ng hindi pa kilalang salarin sa Antipolo City.

Alas-4:15 na ng madaling araw ng Lunes nang matanggap ng Police Station Command Center ng Antipolo Component City ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktimang si alyas “Jacob” residente ng Solid Cement. Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal na duguang nakahandusay sa Sitio Kalye Putol, Brgy. San Jose.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya at pagtatanong sa mga residente sa lugar na nangyari ang pamamaril alas-2:00 ng madaling araw sa gitna ng pabugso-bugsong paghuhos ng ulan.na dulot pa rin ng Super Bagyong Uwan.

Nakuha rin ng pulisya sa lugar ang ilang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril na isaailalim sa ballistic examination sa Rizal Provincial Forensic Unit upang matukoy kung anong kalibre ng baril ang ginamit ng salarin.

Naghahanap na rin ang pulisya ng testigo na makakapagturo o makakakilala sa salarin habang kinakausap na ng mga imbestigador ang pamilya ng napaslang para alamin kung may alam bila sa motibo ng pagpaslang.