MPD2 Ang biktima matapos isugod sa pagamutan. JONJON C. REYES

KILLER NG ESTUDYANTE,16, GUMAGALA, PINAGHAHANAP

Jon-jon Reyes Sep 3, 2026
25 Views

MPD1PATAY ang isang 16-anyos na estudayanteng lalaki matapos barilin sa ulo ng nakataks na suspek sa kahabaan ng Lacson Avenue, Bgy. 429, Zone 44, Sampaloc, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Ang biktima na nakilalang si alyas BG, residente ng Sampaloc, ay naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Ang suspek ay nakilalang si alyas Emer, humigit-kumulang 35-40 taong gulang at tinutugis na ng mga otoridad.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 9:16 ng gabi nang makatanggap ng tawag sa telepono si PMSg. Jeison Magsael mula sa Duty STOC ng MPD PS-14 tungkol sa binatilyo na ginagamot sa Ospital ng Sampaloc.

Agad na nagtungo ang investigator sa nasabing ospital upang magsagawa ng paunang imbestigasyon.

Pagdating doon, nakitang walang malay ang biktima habang sumasailalim sa medikal procedure.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakatayo ang biktima malapit sa center island sa kahabaan ng Lacson Avenue nang barilin ng suspek sa ulo.

Bandang 11:30 ng gabi ay idineklarang patay ang biktima ni Dr. Grace Dioso.

Inatasan ni Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide, si PCMS Boy Niño Balajay, homicide investigator, na pangasiwaan ang kaso kasama ang mga tauhan ng Lacson PCP-MPD Sampaloc Station 4 na sina Pat. Vincent Guingab at dalawa pang iba.

Nagsagawa din ang himpilan ng pulisya ng pagsusuri sa mga CCTV footage mula sa iba’t ibang barangay at mga kalapit na establisyimento para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek.