Calendar
Kim nagbalik-tanaw: ‘Walang wala ako noon’
MANANATILING Kapamilya pa rin ang Multimedia Idol na si Kim Chiu matapos siyang pumirma ng panibagong exclusive contract sa ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng 17 taon.
“I started without having anything in my hand and in my pocket. I didn’t know how to sing, dance, act, and even to host kasi masakit ako sa tenga magsalita, but I’m here living my dream,” saad niya sa “Keep Shining: The Kim Chiu Network Contract Signing.”
Nagbalik-tanaw rin ang “It’s Showtime” host kung paano nabago ang buhay niya pati ng kanyang pamilya dahil sa kanyang Kapamilya journey na nagsimula matapos niyang magwagi sa “Pinoy Big Brother Teen Edition 1” noong 2006.
Aniya, “Dahil dito sa ABS-CBN, naging maayos yung buhay namin. Hindi lang pangarap ko yung natupad pati ng mga kapatid ko. I’m just grateful and very blessed. i’m just giving back everything to my home network, ABS-CBN because tinulungan nila ako nung walang-wala ako kaya kailangan nila ng tulong ko and I’m here. I’ll always be here and I’ll always be a Kapamilya.”
Kasama sa kanyang contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Edith Fariñas.
Kasunod nito, ibinahagi ni Kim na marami pang aabangang bagong proyektoang kanyang fans sa mga susunod na taon bukod sa hit series niya ngayon na “Fit Check” at upcoming Dreamscape series na “Linlang.”
Sa mga nakalipas na taon, nakuha ni Kim ang pagmamahal ng mga Kapamilya dahil sa kanyang angking talento na naging daan para siya ay maging isa sa mga tinitingilang bituin sa industriya. Ilan sa mga tumatak na roles na kanyang pinagbidahan ay “Sana Maulit Muli,”My Girl,” “Tayong Dalawa,” “Minsan Lang Kita Iibigin,” “My Binondo Girl,” “Love Thy Woman,” pati na rin ang mga pelikulang “Till My Heartaches End,” “Bride For Rent,” “Etiquette for Mistresses,” “The Ghost Bride” at marami pang iba. Bukod sa “It’s Showtime,” kasalukuyan din siyang napapanood bilang host at performer sa “ASAP Natin To.”