Romcom serye ng Puregold Channel, tagumpay

Eugene Asis Jul 29, 2023
158 Views
Puregold
Wilbert Ross at Yukii Takahashi
i

puregold channel Puregold ChannelKAMAKAILAN lamang, nagwakas na ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.

Ito na nga ang hinahangad na ‘happily ever after’ ng mga tapat na tagasunod ng ALSLNP, ilang taon na ang nakalipas mula noong nagpasya ang dalawa na lumayo at hanapin ang sarili, at ang kani-kaniyang pag-unlad.

Ipinakita rin ng finale ang pagwawakas sa iba pang aspekto gaya ng pagkakaibigan–sina Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras). Nasaksihan din ng fans kung ano ang nangyari sa buhay ng nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez), at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama).

Katulad ng nakaraang YouTube serye ng Puregold Channel na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at ang premyadong Tiktok serye na 52 Weeks, tagumpay ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 nitong subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.

Sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng ALSNP. Sa YouTube lamang ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.

Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.

“Isang panalo para sa retailtainment ng Puregold itong ALSLNP,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold, “Masaya kami na lumikha kami ng kuwentong ipinapakita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Pilipino, at pati na rin ang mga napapanahong isyu.”

Maaari pang makibahagi sa fandom ng ALSLNP at mapanood ang nakaraang mga episode, na nakatampok sa opisyal na Puregold YouTube Channel. Sa mga hindi pa nakapapanood ng huling episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, maaari ring panoorin ang finale sa YouTube.

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at i-like ang @puregoldph sa Tiktok.