Charles King Charles III Source: British Embassy

King Charles patuloy na ipinagdarasal PH

216 Views

MANILA – Ipinahatid nina King Charles III at Queen Camilla ng United Kingdom ang kanilang pakikiramay at pakikiisa sa sambayanang Pilipino, matapos ang sunod-sunod na mapaminsalang bagyo at lindol na tumama sa Pilipinas sa loob ng dalawang buwan.

Sa isang mensaheng ipinost ng Embahada ng United Kingdom sa Maynila noong Martes, sinabi ng monarko ng Britanya na siya ay labis na nababahala sa mga ulat tungkol sa mga bagyo at pagbaha na nakaapekto sa Pilipinas nitong mga nagdaang linggo.

“I am well aware that the suffering has been compounded by the devastating effects of two earthquakes in October and our hearts go out to all those who are so cruelly affected by these catastrophic natural disasters,” aniya.

“I particularly want to convey our deepest and most heartfelt sympathy to the families of all those who have lost their loved ones and to pay a special tribute to the emergency services who have suffered their own tragic losses as they have assisted in the rescue efforts. Our thoughts and continued prayers are with all who are enduring such appalling suffering at this time,” sinabi pa niya.

Niyanig ng mga lindol na may lakas na 6.9 at 7.4 ang Cebu at Davao Oriental noong Setyembre 30 at Oktubre 10, na nagdulot ng matinding pinsala at pagkasawi.

Kasunod nito, sinalanta naman ng mga malalakas na bagyo ang bansa, kabilang ang Bagyong Tino na matinding nakaapekto sa Cebu, na hanggang ngayon ay hindi pa lubos na nakababangon mula sa epekto ng lindol.

Noong nakaraang weekend, sinalanta naman ng Super Typhoon Uwan ang malaking bahagi ng Luzon at ilang parte ng Visayas, dahilan upang libu-libo ang lumikas at anim ang nasawi.

Sa magkakahiwalay na pahayag nitong Lunes, nagpahayag din ng pakikiramay ang mga Embahada ng Canada at Ireland sa Maynila para sa mga komunidad na tinamaan ng Bagyong Uwan.

Ayon sa Embahada ng Canada sa Maynila, makikipag-ugnayan sila sa mga katuwang mula sa gobyerno ng Pilipinas, humanitarian agencies at sa internasyonal na komunidad upang matukoy “how best to help address urgent needs and support recovery efforts.” Philippine News Agency