Calendar
KingWhale abante sa PVL finals
NALUSUTAN ng Chinese-Taipei’s KingWhale ang isa na namang five-setter nang pataubin ang early finalist Creamline, 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5, at manatiling walang talo sa semifinals ng Premier Volleyball League Invitational Conference kagabi sa Filoil EcoOil Centre.
Nakopo ng Taiwanese club ang ikalawang Finals berth at makakasagupa ulit ang Cool Smashers – sa pagkakataong ito ay para sa gold medal sa alas-5:30 ng hapon bukas sa Mall of Asia Arena.
Ang pagkatalo ng Creamline ay siyang nagsibak sa PLDT, na umaasa ng three-way tie sa 2-2 kasama ng KingWhale at Cignal upang makuha ang championship berth sa pamamagitan ng tiebreak.
Sa halip, nalaglag ang High Speed Hitters sa bronze medal match kontra sa HD Spikers.
Haharapin ng KingWhale (3-0) ang sibak nang Cignal sa huling araw ng semifinals sa alas-4 ng hapon sa San Juan arena.
Sa kabila ng pagkatalo, nakaseguro ang Cool Smashers (3-1) sa pagiging best local team upang kumatawan sa Philippines sa AVC Cup for Women ngayong buwan.
“Creamline is a great team in the Philippines,” sabi ni KingWhale coach Teng Yen-Min.
Nanguna si Brazilian opposite spiker Beatriz Flavio de Carvalho para sa na may 24 points habang nag-ambag si Chen Li-Jun ng 17 points at pitong receptions.
Nagbida si Tots Carlos para sa Creamline na may 15 points habang nagtala si Michelle Gumabao ng dalawang blocks para sa 11-point outing.
Nagtamo si Alyssa Valdez ng left ankle injury sa huling bahagi ng third set kung saan abante ang KingWhale, 23-21, at hindi na bumalik sa laro. Umiskor rin siya ng 11 points.