Kiray

Kiray may pasaring sa bashers matapos ang matagumpay na products launch

Eugene Asis Feb 8, 2025
12 Views

Kiray1NAGSIMULA si Kiray Celis bilang isang child actress na na-discover sa noontime show na ‘Magandang Tanghali Bayan’ (MTB) ng ABS-CBN. At kinilala ang kanyang husay nang mabigyan siya ng mga acting award dito at sa ibang bansa, Nakilala rin siya bilang Comedy Princess, hanggang magsimula siya bilang isang online seller ng ilang beauty products. At dahil sa pagiging business-minded, naisipan niyang lumikha ng sariling beauty products line na siya rin ang nagbenta sa simula.

Ngayon, marami na siyang resellers at kamakailan lang, pormal niya itong inilunsad.

Kasama sa kanyang products line ang Hot Babe Coffee na nakatutulong sa pagiging slim.

Ang Hello Bloom naman ay beauty drinks na may tatlong variants. Ang Hello Bloom Glow ay nagtataglay ng L-glutathione para sa mas makinis at glowing skin. Ang Hello Bloom Gleam ay mayroong hydrolized marine collagen na nagpapanatiling sariwa sa balat. Ang pinakahuli ay ang Hello Bloom Glam na may stem cell extracts na tumutulong naman sa pagri-repair ng mga nasirang bahagi ng balat.

Samantala, ang Day-Li supplements naman ni Kiray ay mga health and beauty food supplements formulated para mapanatili ang kalusugan.

Bilang CEO, hands on si Kiray sa pag-develop ng kanyang mga produkto mula sa ingredients, flavor, benefits, hanggang sa packaging.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Kiray tungkol sa matagumpay niyang launching. At tila may pasaring pa (dinaan sa biro) sa mga basher:

Ayon sa post ni Kiray: “(P)3M sales nung 2.2 sale! Graaaaaabeeeee! At dahil diyan, may restock tayo at may pa wingvan pa! Tapos kanina, nag contract signing naman ako kasama ang aking mga depot! Salamat po sobra sa pagmamahal sa Hot Babe coffee, Hello Bloom juice at Day-Li Supplement! At.. pinaka masaya ako, bakit? Kasi ang dami ng nagtatag sakin ng mga before and after nila dahil sa products natin! Eto naman yung goal ko eh. Makasama kayong MAGING PAYAT, SEXY at MAGING HEALTHY! Kaya sa mga hindi pa nakakapag checkout, may live ako mamayang 8pm sa tiktok account ko! From 450 pero box, 499 dalawang box na mamaya sa live ko! Kaya, See yah! ❤️

P.S, sa mga nanglalait, nang maliit sakin.. para sayo to Senyora! Este… PARA SAINYO TO! ����