Kit wala pang pahayag tungkol sa gulo nila ni Ana

Aster A Amoyo Mar 18, 2022
286 Views

AS of this writing, ang 25-year-old Kapamilya actor na si Kit Thompson ay nasa ilalim ng Tagaytay police for questioning dahil sa pananakit umano nito sa kanyang sexy actress girlfriend na si Ana Jalandoni sa isang Tagaytay hotel last Thursday evening (March 17). Nakuha umano ni Ana na magpadala ng message sa kanyang mga kaibigan kung saan nakapagpadala pa siya ng litrato kung saan kita ang kanyang mga pasa sa mukha. Narinig din umano ng hotel staff ang commotion sa loob ng kuwartong okupado ng magkasintahang Kit at Ana kaya nakatawag sila sa pulis na agad sumugod sa nasabing hotel. Dinala sa presinto ng Tagaytay police si Kit for questioning habang si Ana naman was attended to for medical treatment.

Si Kit ay dating PBB housemate bago ito ito naging in-demand actor sa bakuran ng ABS-CBN. Siya ay nasa pangangalaga ng Cornerstone Entertainment.

Ang pagiging magkasintahan nina Kit at Ana ay nakumpirma lamang nung nakaraang December when the couple posted their picture together in their respective Instagram accounts.

Wala pang opisyal na pahayag ang magkabilang kampo tungkol sa insidente.

KathleenKathleen1Kathleen Joy wagi bilang Miss Eco International

MAGKASUNOD na araw ginanap ang Miss World 2021 at Miss Eco International na parehong sinalihan ng mga kinatawan mula sa Pilipinas na sina Tracy Maureen Perez (for Miss World) at si Kathleen Joy Paton (for Miss Eco International).

Ang 2021 Miss World ay ginanap sa San Juan, Puerto Rico nung nakaraang March 16 (March 17 ng umaga sa Pilipinas). Siya’y pumasok lamang sa Top 13. Ang 2022 Miss Eco International ay ginanap sa Triumph Luxury Hotel in Luxor, Egypt nung March 17 (March 18 nang umaga in the Philippines) at si Kathleen Joy ang tinanghal na Miss Eco International 2022. Siya ang ikalawang Filipina na nakapag-uwi ng titulo next to Cynthia Tomalia in 2018. Dalawang first runner-up win naman ang nasungkit ng Pilipinas mula sa nasabing international beauty pageant nung 2019 and 2021 na sina Maureen Montagne (2019) at Kelly Day (2021).

Si Kathleen ay Filipina-Australian (tulad ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray). Siya’y bunso sa apat na magkakapatid na babae at isinilang sa Boracay to an Australian father at Filipina mother. In 2006, she moved to Melbourne, Australia at siya’y nag-aral ng Business Management at Victoria University in Melbourne, Australia. Taong 2015 nang siya’y dumaan sa depression and anxiety. Two years later, siya ang tinanghal na first runner-up sa Miss Teen Australia 2017. Nung September 2017 ay naging kinatawan siya ng Visayan region, Philippines sa Miss Teen International na ginanap sa Bangkok, Thailand at siya ang tinanghal na winner. The following year, 2018 ay lumahok siya sa Miss Manila pageant at siya rin ang nanalo at bahagi ng kanyang premyo ang kanyang paglagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) at nakagawa na siya ng dalawang pelikula under Viva Films, ang “Through Night and Day” na tinampukan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi (co-produced with OctoArts Films) at ang February 2020 movie na “On Vodka, Beers and Regrets” na pinagbidahan naman nina Bela Padilla at JC Santos.

Nung October 3, 2021, si Kathleen ang kinoronahan sa Miss World Philippines bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Eco International in Egypt. Tatapusin lamang ni Kathleen ang kanyang reign as Miss Eco International then saka nito babalikan ang kanyang showbiz career sa tulong ng Viva.

Jillian bina-bash dahil sa pagkahilig sa luxury cars

KAPUSO teenstar Jillian Ward started her showbiz career as a child star at sa tagal na rin niya sa showbiz ay nakapag-pundar na siya ng two storey house for her and her family in Pampanga at sa kanyang pagiging teen-ager ay unti-unti naman siyang nagkakahilig sa mga mamahaling sasakyan. May mga namba-bash sa teenstar dahil dito pero marahil ay naiinggit lamang ang mga ito.

Sa 17th birthday ng “Prima Donnas” star na si Jillian, she gifted herself with another luxury car na isang Porsche kahit kabibili pa lamang nito ng isang BMW car four months earlier. Ang dalawang luxury sports car ay hiwalay pa sa van na gamit mismo ng commercial model-turned singer-actress and vlogger sa kanyang mga tapings and work-related.

Thankful ang Kapuso teenstar dahil ang kanyang Mommy Zeny ang nagha-handle ng kanyang finances hanggang ngayon.

OomphPodcast bagong venture ng Viva

IT started sa pamamagitan ng audio lamang pero ngayon ay available na ang Podcast on digital video tulad ng iba’t ibang social media platforms at hindi nagpahuli ang Viva sa ganitong digital innovation and evolution. According to recent data, there are more than 31 million Filipinos na nakikinig sa podcasts with an average of almost an hour per podcast.

With Viva One, the digital incubation and aggregation division of Viva Communications, sila ngayon ang nangunguna sa paghahatid ng iba’t ibang podcast titles na kinagigiliwan ng publiko sa pamamagitan ng paglu-launch ng Oomnph Podcast Network na tinatampukan ng iba’t ibang mga kilalang personalities. Nariyan ang “Wala Pa Kaming Title” na binubuo ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama ang dalawa nilang longtime friends na sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan. Isa itong ultimate tsikahan at journey ng kanilang pagkakaibigan na kanilang ibinabahagi sa kanilang mga listeners. Nariyan ang “B*WITCHES” nina Tina Wells and Amanda Coling na may kinalaman naman sa women empowerment na may pagka-adult ang tema at nagta-tackle ng love, sex and relationships; ang “IDK Show” ng singer-actor na si Kean Cipriano na may kinalaman naman sa kanyang pagiging artist at musician. Nariyan din ang “Matt Runs” podcast ng singer, actor, entrepreneur at mister ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na iba’t ibang tema rin ang kayang i-share .

Kung ang Vivamax streaming app ay meron nang almost 5M subscribers, inaasahan na hindi magpapahuli ang Oomph Podcast ng Viva.

DantesDingdong papalit sa iniwang slot ni Willie

SA pagkawala sa ere ng game show na “Wowowin” hosted and produced by Willie Revillame on GMA, the Kapuso management decided to replace the slot with another daily game show, ang local adaption ng American longest-running TV game show, ang “Family Feud” which was created by Mark Goodson and originally hosted by Richard Dawson in 1976.

The Philippine adaptation ng popular game show will be hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes (41) at ito’y magsisimulang mapanood on GMA sa darating na March 21, 2022 (Monday) at 5:45 p.m.

The former dancer-turned actor-host and entrepreneur at mister ng Primetime Queen na si Marian Rivera and a father of two na sina Zia at Ziggy is excited sa pagsisimula ng kanyang kauna-unahang daily game show na kanyang ihu-host hindi lamang sa excitement at entertainment na ihahatid nito sa mga manonood kundi maging ang mga premyo na ipamimigay ng programa.

Si Dingdong ay huling napanood sa drama anthology ng GMA, ang “I Can See You” at sa TV series na “Descendants of the Sun” na isang local remake ng K-drama series of same title. Last movie naman niya ang 2021 Metro Manila Film Festival entry na “A Hard Day” na isa ring film adaptation ng K-movie na may kaparehong titulo na pinagsamahan nila ng award-winning actor na si John Arcilla under Viva Films.

Personal

NGAYONG gabi (March 19) na ang huling wake ni Roxyn Ignacio (28) at the 2nd floor of the Holy Trinity Parish in Village East Executive Homes, Cainta, Rizal. Interment will be held on Sunday, March 20 after an 11 a.m. mass to be officiated by Fr. Noel Rabonza.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.