Villamin

‘Kokoy Villamin’ lumutang sa mga kuwestyonableng resibo ng OVP, DepEd

137 Views

PANIBAGONG pangalan ang sumikat sa iniimbestigahang acknowledgment receipts (ARs) para sa liquidation report ng P612.5 milyong confidential funds (CF’s) ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte noong 2022 at 2023.

Inilantad sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pangalang “Kokoy Villamin” na lumabas sa iba’t ibang AR na may magkakaibang sualt-kamay at lagda, na malinaw na may anomalya at posibleng pamemeke sa isinumiteng liquidation documents sa sa Commission on Audit (COA).

Mahalaga ang AR sa financial accountability, na nagsisibing patunay na ginamit ang pondo sa nararapat na benepisyaryo.

Ngunit dahil sa iregularidad sa naturang mga AR ay may duda kung napunta nga ba ang pera sa totoong benepisyaryo.

Una nang lumutang ang pangalang “Mary Grace Piattos,” na pinagsamang pangalan ng isang kainan at sitsirya, na umani ng negatibong reaksyon mula sa publiko.

Sa kabila ng P1 million na pabuya sa mga makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa katauhan nya, wala pa ring lumalapit, kaya’t mas tumitindi ang suspetya na gawa-gawa lang ito.

Sentro naman ng pagdinig ngayon ng komite na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua si “Kokoy Villamin”

Nangako nag komite na alamin ang katotohanan sa likod ng mga kuwestyonableng dokumento at panagutin ang mga nasalikod na maling paggamit ng pondo.

Sa pagdinig, tinukoy ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang paulit-ulti na paglabas ng panagalan ni “Kokoy Villamin” sa AR ng OVP at DEPED.

“Ibig sabihin, the point I’m trying to drive at, Mr. Chair, is that based on the documents and the [ARs], we do not have any other ways to really affirm whether these persons and individuals who have received the confidential funds were truly alive and truly person,” ani Adiong.

Iprenesinta ni Adiong ang resibo na may petsang September 17, 2023 kung saan lumabas ang pangalang “Kokoy Villamin na lumabas sa OVP, gayundin sa DEPED ngunit may ibang pirma.

“Makikita po natin ‘yung medyo hindi ho kapanipaniwala. Ako, ordinary po ako na tao, I’m not an auditor, but as you can see it, pareho po ‘yung pangalan nila, Kokoy Villamin,” punto ni Adiong.

“‘Yung acknowledgment receipt from the [OVP] and at the same time, from the DepEd, the same person, Kokoy Villamin from Ozamiz.”

Pagpapatuloy pa niya, “Is it just a coincidence that the same two offices, headed by the same person, submitted the same [ARs] and encountered two persons with the same name? How unlikely would that be? Two persons with the same name bearing the same spelling, same last name, and the same first name.”

Sinangayunan naman ni COA Intelligence and Confidential Funds Auditor Gloria Camora na “highly unlikely” o imposible ang ganitong pangyayari. tinukoy din niya ang hindi parehong sulat kamay at lagda sa naturang AR.

“I think it’s very obvious, Mr. Chair, that the signatures on the [AR] submitted by the [OVP] are quite different from the [AR] received by the [DepEd]. Parehong pangalan pero mukhang magkaiba,” sabi pa ni Adiong

Paglalahad ni Adiong na halos 4,500 na AR ang isinumite sa COA para bigyang katwiran ang CIF,—2,670 dito ay sa OVP at 1,820 ang sa DepEd.

Ikinabahala naman niya ang kawalan ng supporting evidence na kalakip ng AR na siyang ginamit para suriin ang naturang mga pondo.

“These ARs were submitted as documentary evidence of supposed expenses using confidential funds. For the record, the OVP liquidated ₱500 million, and the DepEd liquidated ₱112.5 million, solely through these [ARs],” paliwanag ni Adiong

Kinuwestyon ni Adiong kung bakit hindi agad napuna ang naturang iregualridad gayong may kaniya-kaniyang auditor ang OVP at DEPED noong panahaong iyon.

“Kasi kung isa po ‘yung auditor nito, I think malalaman po nila ito and they will be flagged, ‘no? Kung bakit magkaparehong pangalan and magkaiba ‘yung signatures. Exactly the same spelling, and exactly the same family name,” sabi pa niya

Naniniwala si Adiong na may pang-aabusong ginawa sa proseso batay na rin sa mga natuklasang resibo.

“With this kind of itong pang-aabuso sa ganitong proseso ng pag-audit na ibibigay lang po nila as [ARs], it opens up so many floodgates of questions which I believe ‘yun ‘yung pinakaimportante po na masagot,” aniya

“It’s very obvious, Mr. Chair, na hindi lang po si Mary Grace Piattos ang nakita po natin na questionable. Nakikita din po natin na may mga acknowledgment receipts, Mr. Chair, na pare-pareho ‘yung pangalan na magkakaiba ‘yung date na magkakaiba ‘yung kanilang pirma,” pagtatapos ni Adiong.