Madrona

Kongresista bumisita sa mga proyekto

Mar Rodriguez Mar 23, 2026
106 Views

BUMISITA si Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, sa isang kalsada sa Brgy. Agojo na inaasahang magbibigay ng kaginhawahan sa mga residente ng lugar.

Ininspeksiyon ni Madrona ang daan mula Brgy. Mat-i at Sta. Fe na durugtong sa kalsada bilang tugon sa matagal ng kahilingan ng mga residente para mas maging kombinyente ang kanilang paglalakbay.

Bagama’t ang kahabaan sa naturang kalsada ay klasipikadong provincial road, pinagsisikapan ng kongresista na mabigyan ng katwiran ito para mapondohan ng national government.

Nagkaroon ng pagkakataon si Madrona para makausap ang mga barangay officials ng Brgy. Agojo kung saan ipinaabot nila sa mambabatas ang kanilang pasasalamat dahil sa pagpapatupad ng proyekto sa kanilang lugar.

Siniguro rin ni Madrona na magiging ligtas ang mga pasahero na sasakay ng Montenegro Shipping Lines mula Malbog Port patungong Caticlan.

Ininspeksiyon din ni Madrona kasama ang mga local officials ng Romblon ang passenger terminal ng Malbog Port upang matiyak na magiging ligtas ang pagbibiyahe ng mga pasahero patungo sa kanilang destinasyon.

Sinabi din ni Madrona na ang pagbubukas ng Malbog Port ay inaasahang magdadala ng malaking benepisyo hindi lamang sa Looc kundi sa buong Romblon.