Alfred Vargas

Kongresista nanawagan sa mga negosyante na tulungan sektor ng turismo

Mar Rodriguez Apr 12, 2022
301 Views

HINIHIKAYAT ngayon nang isang Metro Manila solon ang mga pampubliko at pribadong investors o mga maliliit at malalaking negosyante na sama-samang tulungan ang unti-unting nalulugmok at bumabagsak na sektor ng turismo sa bansa sapul ng manalanta ang COVID-19 Pandemic noong 2020.

Sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na mula ng sumiklab sa bansa ang COVID-19 Pandemic. Ang isa sa mga pangunahing naapektuhan nito ay ang sector ng turismo matapos ipagbawal ng pamahalaan ang mga “social gatherings”.

Kabilang na aniya dito ang nakaugaliang pagpunta sa iba’t-ibang makasaysayang pasyalan, mga beaches at iba pang lugar sa bansa. Mahigpit din ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan para bumisita o magbakasyon sa Pilipinas.

Kasama sa mga turistang nagtutungo sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay ang mga local at dayuhan. Kung kaya’t naniniwala si Vargas na talagang malaking epekto ang idinulot ng Pandemiya sa sector ng turismo.

Dahil dito, ikinababahala ni Vargas ang unti-unting nalulumpong “tourism sector” bagama’t nagsisimula ng magluwag ng gobyerno. Gayunman, binigyang diin nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nakakabawi ang turismo ng bansa.

Para matulungan ang sektor ng turismo, isang House Resolution naman ang inihain ng kongersista na naglalayong magkaroon ng mga hakbang kung papaano matutulungan ang nasabing sektor hanggang sa ito’y tuluyang makaahon.

“After more than two years of virtual inactivity. Our tourism sector is raring to welcome back local foreign tourist. But many of our tourism stakeholders need adequate assistance to fully bounce back,” sabi ni Vargas.

Pinapurihan naman ng mambabatas si Department of Tourism (DoT) Sec. Berna Romulo-Puyat dahil sa magandang nagawa nito para sa turismo ng bansa. Sa harap ng sunod-sunod na lockdown na naka-apekto sa ekonomiya ng bansa.

“Secretary Puyat did a commendable job in mitigating the adverse impact of the pandemic. The Department of Tourism (DoT) now needs all the help in bringing the tourism sector on its feet,” dagdag pa ng mambabatas.