DOT

Kongresista naniniwalang maibibigay hinihinging P12.4B budget ng DOT

Mar Rodriguez Sep 9, 2022
247 Views

NANINIWALA ang isang beteranong kongresista na mayroon pang pag-asa para maibalik at maibigay ang hinihinging budget ng Department of Tourism (DOT) na nagkakahalaga ng P12.3 bilyon kaugnay sa isinasagawang “budget deliberations” ng Kongreso.

Bilang Chairman ng House Committee on Tourism, sinabi ni Romblon Lone Dist Cong. Eleandro Jesus F. Madrona na maaaring magawaan pa ng paraan upang maibigay ng Kamara de Represesntantes ang hinihinging Budget ng DOT para sa susunod na taon (2023).

Nauna rito, nabatid kay Madrona sa panayam ng People’s Taliba na masyado mababa ang ibinigay na budget ng ahensiya. Sapagkat P3.2 bilyon lang ang ibinigay na alokasyon ng Kamara para sa 2023 budget ng DOT kumpara sa P12.4 nilyon nan ire-request nila.

Dahil dito, sinabi pa ng mambabatas na ipa-follow up na lamang niya sa mga darating na deliberasyon sa Plenaryo ng Kongreso upang magkaroon ng konsiderasyon ang mga kapwa niya kongresista at maibalik o maibigay ang budget na hinihingi ng DOT.

Binigyang diin ni Madrona na malaki sana ang maitutulong ng P12.4 bilyon budget ng DOT upang muling makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas na lubhang nalumpo sapul ng pumutok ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa turismo ng bansa.

“Bilang Chairman ng Tourism ang aking huling paki-usap ay sana ay maibigay ang P12.4 bilyon na hinihingi nila. Ipa-follow up ko na lang iyang budget ng DOT during the second reading sa Plenary hanggang sa maipasa naming ang budget,” sabi ni Madrona.