Oath LAKAS-CMD OATH-TAKING – Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang panunumpa bilang mga miyembro ng Lakas-CMD ng mga bagong halal na mambabatas na sina Reps. James “Jojo” Ang Jr. (Uswag Ilonggo), John Tracy Cagas (Lone District, Davao del Sur), Agatha Cruz (5th District, Bulacan), Manay Gina De Venecia (4th District, Pangasinan), Mauricio Domogan (Lone District, City of Baguio, Benguet), Rene Ann Lourdes Matibag (1st District, Laguna), Salvador Pleyto (6th District, Bulacan), Raymond Adrian Salceda (3rd District, Albay), Josephine Tallado (1st District, Camarines Norte), Joseph Tan (4th District, Isabela), Caroline Tanchay (Kamalayan) at Girlie Enrique Veloso (Malasakit@Bayanihan), hapon ng Miyerkules sa Social Hall ng Speaker’s Office. Kuha ni VER NOVENO

Kongresistang kaalyado ng Lakas-CMD nadagdagan ng 5

37 Views
Oath1
Nanumpa si Cotabato 1st District Rep. Edwin Cruzado kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang miyembro ng Lakas-CMD hapon ng Martes. Naroon din sina Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Santos (ikalawa mula kanan), Deputy Speaker Tonypet Albano, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza.
Kuha ni VER NOVENO
Oath2
Si Representative-elect Leandro Leviste ng 1st District ng Batangas ay nanumpa kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang miyembro ng Lakas-CMD hapon ng Miyerkules.
Kuha ni VER NOVENO
John
Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panunumpa ni Representative-elect John Tracy Cagas ng Lone District ng Davao del Sur bilang miyembro ng Lakas-CMD hapon ng Miyerkules. Naroon din sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino.
Kuha ni VER NOVENO
Mauricio
In-administer ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang oath-taking ni Benguet Lone District Rep. Mauricio Domogan bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD hapon ng Miyerkules. Naroon din sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino.
Kuha ni VER NOVENO
Reynaldo
Ang bagong halal na si Marinduque Lone District Rep. Reynaldo Salvacion ay nanumpa kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang miyembro ng Lakas-CMD hapon ng Martes. Kasama niya ang nahalal na gobernador ng lalawigan na si Mel Go (ikalawa mula kanan). Naroon din sina Deputy Speaker Tonypet Albano, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe.
Kuha ni VER NOVENO

NADAGDAGAN ng lima ang bilang ng mga kongresistang kaalyado ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa paparating na 20th Congress.

Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa bilang mga miyembro nina Representative-elect Leandro Leviste (Independent) ng Unang Distrito ng Batangas, Mauricio Domogan (Independent) ng Lone District ng Lungsod ng Baguio, at John Tracy Cagas (NP) ng Lone District ng Davao del Sur.

Noong Martes, pinangasiwaan din ni Speaker Romualdez ang panunumpa nina Representative-elect Edwin Crusado (PMP) ng Unang Distrito ng Cotabato at Reynaldo Salvacion (Independent) ng Lone District ng Marinduque.

Sinaksihan ng mga miyembro ng Kamara at iba pang opisyal ng Lakas-CMD ang kanilang panunumpa.

Sa kanilang pagpasok, umakyat na sa 108 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara para sa susunod na Kongreso.

Nanumpa rin kay Speaker Romualdez bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sina Erik Martel (Independent), mayor-elect ng Abucay, Bataan, at dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa mga bagong miyembro ng partido sa kanilang desisyong sumali sa Lakas-CMD.

“Your decision means that you share—as we all in Lakas-CMD do—the aspiration of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for our people to have a better life and to sustain our country’s economic growth,” aniya.

Dagdag pa niya, pinatatag din ng kanilang pagsali ang suporta sa Kongreso para kay Pangulong Marcos Jr., sa kanyang lehislatibong adyenda, at sa mga programa at layunin ng Bagong Pilipinas.

Ipinahayag ng lider ng Kamara ang kaniyang pag-asa na magkakaroon ng makabuluhan at masaganang pakikipag-ugnayan ang limang mambabatas sa Lakas-CMD at sa mga kasapi nito.

Sinabi rin ni Speaker Romualdez na inaasahan niya ang mas malalim na talakayan at samahan sa pagitan nila.

“I am joining Lakas just as it was my mother’s first party when she was elected senator in 1998,” ani Legarda Leviste. “It feels meaningful to return to these roots at a time when unity and progress are needed most.”

Ang ina ni Leandro, si Senador Loren Legarda, ang naging pinakabatang senador na nahalal noong 1998 at nagsilbing Pangalawang Pangulo ng Lakas para sa Visayas sa edad na 38. Si Leandro ay limang taong gulang pa lamang noon.

Ang bilang ng Lakas-CMD ay one-third na ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara.

Ayon kay Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, tiyak na umano ang suporta ng hindi bababa sa 285 miyembro ng Kamara para manatili si Speaker Romualdez bilang pinuno ng mababang kapulungan sa susunod na Kongreso.