Konsehal

Konsehal pinatay sa loob ng bahay sa Zambo del Norte

Zaida Delos Reyes Dec 20, 2024
13 Views

PATAY ang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Piñan sa Zamboanga del Norte matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspects sa loob ng kanyang bahay nitong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Glecerio Redillas Jr., residente ng Barangay Poblacion 2, sa nasabing bayan.

Batay sa ulat ng Piñan Municipal Police Station, nakaupo ang biktima sa harap ng lamesa sa loob ng kanyang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril siya sa ulo.

Dead on the spot ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspect kasama ang dalawang lalaki na nagsilbing lookout.

Agad namang kinundina ng Sangguniang Bayan ng Piñan ang pagpatay sa konsehal.

Inilarawan nila si Redillas bilang isang passionate public servant at ang pagkamatay nito ay isang malaking kawalan sa kanilang bayan.

“Honorable Redillas was a passionate public servant who tirelessly worked for the betterment of our community. His unwavering commitment to public service, exemplary leadership, and dedication to his constituents have left an indelible mark on our municipality. He will be deeply missed by his colleagues, friends, and the many lives he has touched throughout his service.” Pahayag ng Sangguniang Bayan ng Piñan.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.