Calendar
Photo source: PRO-NIR
Kontraktor tinambangan habang papunta sa Negros Oriental
ISANG 58-anyos na engineer at kontraktor ang binaril habang nasa kahabaan ng national highway sa Sitio Omanod, Brgy. San Francisco, Santa Catalina, Negros Oriental, bandang 7:40 ng umaga nitong Miyerkules, Agosto 27.
Batay sa inisyal na ulat, papunta sana ang biktima sa kanyang quarry site sa lugar nang biglang pagbabarilin siya ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang itim na Honda XRM motorcycle habang minamaneho niya ang sarili niyang motorsiklo.
Narekober ng mga imbestigador ng pulisya ang isang basyo ng bala ng caliber .45 sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala ang mga salarin at matukoy ang motibo sa pamamaril.
STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/1QPNfhqCpJ/

