Sara

Kontribusyon, lakas ng kababaihan kinilala ni Mayor Inday

583 Views

KINILALA ni vice presidential candidate Sara Duterte ang kontribusyon at lakas ng mga babae na mahalaga sa pag-unlad ng lipunan at pagsulong ng bansa.

“Let us honor women who chose the pathway to empowerment. Let us honor women who are our source of strength, inspiration, and love. Let us honor the women in our lives who made us who we are today — for all the lessons and the blessings that they left us. Let us honor ourselves,” sabi ni Duterte.

Sa isinagawang online Women 2022 Entrepreneurship Summit na inorganisa ng Go Negosyo kinilala ni Duterte ang mga babae na naitatak sa kasaysayan at nakalikha ng makabuluhang pagbabago.

“Alam natin na ang mga kababaihan sa mga komunidad ay isa sa mga sektor na minsan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maging parte ng ating paglago o progreso — kahit pa man alam din natin na malaki ang kanilang potensyal at papel sa usapin ng kaunlaran,” dagdag pa ni Duterte.

Ipinagmalaki rin ni Duterte ang landmark project ng Davao City na “Mag Negosyo Ta Day” upang makauwang ng lungsod ng mga kababaihan sa pag-abot ng inaasam na kaunlaran.

“Dahil po sa Magnegosyo ‘ta Day, women were able to help their husbands provide food for the family, they were able to contribute to the educational needs of their children, they were able to earn their own money,” dagdag pa ng alkalde ng Davao City.

Ang MTD ang isa sa mga program na ginawa upang makamit ang gender inequality sa sektor ng paggawa at ekonomiya.

“Malayo na ang narating ng laban ng mga kababaihan. Marami na rin tayong naipanalo. Naabot na natin ang panahon na mayroon tayong pagkakataon na maipakita ang ating galing, ang ating talino, ang ating lakas bilang tao sa iba’t ibang larangan ng buhay,” sabi pa ng alkalde.