Mandanas

Kontribusyon ng mga magsasaka, mangingisda sa Batangas kinilala

56 Views

NAGKAROON ng Ceremonial Distribution of Agricultural and Fishery Inputs and Year End Assessment and Planning Workshop for Rural Based Organizations noong Disyembre 18 sa OPA Multipurpose Hall sa Bolbok, Batangas City.

Ayon kay Dodo Mandanas, gobernador ng lalawigan, isinagawa ang activity bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa kaunlaran ng Batangas.

Ipinamahagi ang mga makinarya, binhi, kagamitan at iba pang suporta sa mga samahan ng magsasaka at mangingisda, kabilang ang mga grupong Magigiting na Magsasakang Batangueño Inc., 4H-Club Federation, Rural Improvement Club, Batangas Cacao Growers Association, Batangas Coffee Federation, Batangas Banana Growers Federation, Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Council, Batangas Mango Growers Federation, Provincial Agricultural and Fishery Council, Batangas Rice Federation, Batangas Corn Growers Association at Batangas High Value Growers Federation.

Ginanap din ang workshop na naglalayong pagplanuhan ang mga hakbang para sa susunod na taon at suriin ang mga nagawa ngayong 2024.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na pinapalakas ng Batangas ang suporta sa mga sektor ng agrikultura at pangingisda upang matiyak ang masaganang ani, mas maayos na kabuhayan at pangmatagalang kaunlaran.