BBM1

Korea gustong makapareha ni PBBM sa pagpapalakas ng renewable energy sources

152 Views

UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng technological cooperation ang Pilipinas at Republic of Korea sa paglinang ng renewable energy sources.

Sa kanyang pagharap sa 23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ng Pangulo na bahagi ng pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan ay ang pagbawas sa paggamit ng fossil fuel.

“Given the ROK’s expertise in harnessing renewable energies, let us explore opportunities for technological cooperation aimed at securing reliable electricity supply sourced from renewable sources,” ani Marcos.

Kamakailan ay pinayagan ng Pangulo ang Department of Energy (DOE) na susugan ang paglinang sa offshore wind (OSW) upang mapagkuhanan ng malinis na enerhiya.

Hiniling din ng Pangulo ang pagbibigay ng atensyon sa pagtatanim ng 10 milyong puno sa 10 miyembro ng ASEAN sa ilalim ng ASEAN Green Initiative.

Nabanggit din ng Pangulo ang ASEAN-ROK Plan of Action for 2021-2025 o ang kooperasyon sa larangan ng seguridad, search and rescue, freedom of navigation at overflight, at ang paghahanap ng mapayapang solusyon sa mga hindi napagkakasunduan.