Calendar

Kotse sumalpok sa trailer truck, mag-asawa, anak, 3, DOA
PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos bumangga sa trailer truck ang kotseng sinasakyan ng mga ito sa Barangay Talus, Malungon, Sarangani nitong Miyerkules ng umaga.
Nakilala ang mga nasawi na sina Abdulmajid Sarapudin, 35-anyos, asawang si Ivy Lou at anak na si Colleen, 3-taong tulang.
Batay sa ulat ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, galing ang mga biktima sa kanilang bahay sa Barnagay Labangal, General Santos City at patungo sana sa Davao City nang maganap ang aksidente.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng kotse dahil sa dulas ng daan dulot ng walang tigil na pag-ulan kaya’t lumihis ito at nagawi sa kaliwang bahagi ng highway kung saan sumalpok ito sa kasalubong ng prime mover truck na may hatak na trailer.
Dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay dead on the spot ang mag-anak dahil narin sa malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nasa kustodiya narin ng mga awtoridad ang driver ng truck para sa kaukulang imbestigasyon.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.