Calendar

Kris balik-telebisyon
Matapos ang dalawang taong pamamahinga sa limelight, balik na sa kanyang first love si Kris Bernal which is acting.
Sa kanyang latest Instagram post, hindi niya rin akalaing tatapusin na niya ang kanyang motherhood break after two years.
“Acting is my first love.
And, first love never dies.
I never thought I would return to acting on TV after 2 years+ of motherhood break,” aniya.
Ayon pa kay Kris, medyo nag-alinlangan siyang tanggapin ang offer ng GMA-7 at ilang araw din niya itong pinag-isipan.
“To be honest, I was halfhearted to accept this because I didn’t know if I could still act, and because I’m still exclusively breastfeeding.
“I thought long and hard about it for a few days before saying yes,” aniya.
As a first-time mom sa baby nila ni Perry Choi na si Hailee, talagang nakatutok si Kris sa kanilang anak at siyempre, sa kanyang mister.
Pero tinanggap na rin niya ito dahil three taping days lang naman.
“Perhaps it’s time for Hailee and I to move forward and try to establish new routines and habits. And, three days of taping wouldn’t hurt so much, huh?!” sey ng celebrity mom.
“For now, episodes are all I can do,” aniya pa.
At bongga ang pagbabalik ni Kris dahil mapapanood siya sa 3 episodes ng “Tadhana” ng GMA-7.
Matatandan na huling napanood si Kris sa “Artikulo 247” noong 2022.
Nabuntis siya noong 2023 at pagkatapos ay nagpahinga na sa showbiz para mag-focus sa kanyang pregnancy at family life.
Ngayon ay magda-dalawang taon na ang kanyang anak na si Hailee Lucca.