Kris

Kris uuwi for good sa Setyembre

Vinia Vivar Jul 20, 2024
49 Views

KINUMPIRMA ni Bimby na uuwi na talaga sa Pilipinas ngayong Setyembre ang kanyang inang si Kris Aquino.

Sinabi ito ng bunsong anak ni Kris nang makapanayam siya ng isang major broadsheet sa isang birthday party sa BGC.

“My mom is coming home for good in September. Latest is October,” sey ni Bimby.

“I’m very happy. She misses her family the most. She misses Tita Ballsy (Cruz) and her sisters,” sabi pa niya.

Natanong din siya kung magaling na ba ang kanyang mommy at sey niya, “Papunta na po. But it will take hard work, hard work talaga. Hard work, dedication, in order (for her) to be healthy po.”

At tulad din sa US, ani Bimby ay siya rin ang mag-aalaga sa ina kapag nandito na sa Pilipinas.

“The medicine is hard on her. Pero alam n’yo naman po, fighter si Mama. She’s strong,” aniya.

Ngayon pa lang ay looking forward na ang fans at supporters ni Kris sa pagdating niya bansa after two years ng pagpapagamot sa US.

Patuloy pa rin ang pagdarasal ng mga nagmamahal sa kanya para sa kanyang tuluyang paggaling.