Gasolina

Krudo, gasolina maaaring magmura

Edd Reyes Jan 2, 2026
271 Views

POSIBLENG bumaba ng 50 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina, 15 sentimos kada litro ng diesel at 20 sentimos sa kerosene sa linggong ito, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).

Batay sa tatlong araw na kalakaran ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang posibleng price rollback, ayon sa ahensiya.

Sa ulat ni Assistant Director Rodela Romero ng DOE-OIMB, ang posibleng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsad ng inaasahang sobrang supply ng langis at mahinang pangangailangan ng malalaking bansa tulad ng China.

Karaniwang ina-anunsyo ng mga kompanya ng langis ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes na ipinapatupad tuwing Martes.