Sen. Kiko

Pangilinan ikinabahala militar na ensayo sa paligid ng Taiwan

129 Views

IPINAHAYAG ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang malalim na pag-aalala at pagpuna sa ginawang militar na pag-eensayo ng China sa paligid ng Taiwan, na aniya ay nagdulot hindi lamang ng pag-aalala sa mga taga-Taiwan kundi pati na rin sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho doon at sa buong rehiyon ng Silangang at Timog-Silangang Asya.

“It is the season of goodwill, but China’s two-day military drills encircling Taiwan have brought ill will all around—to the Taiwan people, to Filipinos working, living, and spending the holidays there, and to peoples across East and Southeast Asia,” wika ni Pangilinan, na tumutukoy sa dalawang araw ng malawakang militar na pag-eensayo ng People’s Liberation Army ng China na nagsimula noong huling bahagi ng Disyembre 2025 sa paligid ng Taiwan. Ang mga ehersisyong ito, na tinawag na “Justice Mission 2025,” ay kinabibilangan ng malalaking puwersa ng barko, sasakyang pandagat at eroplano na nagsagawa ng live-fire drills at mga simulasyon ng blockade sa mahalagang mga ruta at lugar malapit sa isla.

Binigyang-diin ni Pangilinan na hindi maaaring itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng puwersa. “Peace on earth cannot be built on threats of invasion, expanding foreign basing, or war games. Peace on earth can only be built on our individual and collective right to self-determination, free from bullying or annexation by any power—whether Chinese or American,” ani Pangilinan, na naglahad ng kanyang pananaw na ang mga banta sa katatagan ng rehiyon ay hindi lamang isyu ng seguridad kundi ng paggalang at dignidad ng mga bansa at mamamayan.

Idinagdag niya na ang tunay na kapayapaan ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos para sa lipunang may katarungan at karapatang demokratiko. “We all share this one planet, and our shared future depends not on missiles nor alliances of convenience, but on our individual and collective cooperation for social justice, climate action, and democratic rights,” pahayag niya.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, hinimok ni Pangilinan ang lahat na harapin ang taon ng Fire Horse na may pag-asa at pag-unlad. “Let’s all steer the Fire Horse of 2026 into progress, not ruin,” ani niya.