Calendar
Kumpiyansa ng mamumuhunan sa PH nananatiling matatag—DTI
NANANATILI umanong matatag ang kumpiyansa ng mga mamumuhuan sa Pilipinas, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na patunay dito ang mataas na reinvested earnings at ang tumataas na foreign investment approval.
“In summary, although FDI in the Philippines declined in the first semester of 2023, there remains solid foreign investor confidence in the country, as demonstrated by the high reinvested earnings and the rising foreign investment approval by BOI and other IPAs (Investment Promotion Agencies),” ani Pascual.
Nakapagtala ang bansa ng $3.9 bilyong FDI sa unang semestre ng 2023, mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa naitala ng Bangko Sentral sa kaparehong panahon noong 2022.
Sinabi ni Pascual na mahalaga na kilalanin na nagsasagawa ng masusing pag-aaral ang mga negosyante bago tuluyang maglagak ng pamumuhunan.
Nakadagdag din umano sa pagbaba ng FDI ang mataas na inflation rate at interest rate na naitala sa unang kalahati ng 2023.
“Factors such as inflation rates and investment rates substantially influence FDI decisions. Stable inflation and competitive interest rates generally attract FDI, whereas high inflation and unfavorable rates can repel foreign investors,” sabi ni Pascual.
“Under the Marcos Jr. administration, a representative metric of investment performance is the foreign investment approvals by the DTI’s IPAs,” dagdag pa ng kalihim.
Ipinunto rin ni Pascual na mayroong mga dayuhang mamumuhunan sa bansa na hindi nagpaparehistro sa IPA at ginagawa nila ito kahit na wala silang nakukuhang insentibo mula sa gobyerno.