Kylie

Kylie, todo-suporta kay Binoe

Jun Nardo May 11, 2022
280 Views

PINALUTANG muli ang video ng nangungunang senatoriable na si Robin Padilla kung saan sumasayaw siya sa kantang Paru-Paro G.

Eh, inggit much kasi ang mga tinalo ni Robin sa pagiging senador ng bansa, huh!

Pinataob lahat ni Robin ang mga tumakbong senador na ilang beses nang nanalo at mula pa sa kilalang political clan.

Naku, minemenos kasi ng karamihan ang kaalaman ni Robin. Eh, sa interview sa kanya ni Karen Davila, isang kaibigan naming prosecutor sa Department of Justice ang nakapanood nito at bumilib sa laman ng utak niya.

Na-meet din ng friend namin si Robin nang mag-shooting sa Amsterdam nang mag-shoot ng biopic ni Senator Ping Lacson.

Hindi nagtataka ang friend namin at kakilala niya na naging number one bilang senador si Robin.

Eh, ang anak nga niyang si Kylie Padilla, hindi basta naniwala nu’ng una sa ama.

Pero pinanood niya ang interviews ng ama, nag-research at sa bahagi ng post sa Instagram, sabi ni Kylie, “All I can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart.”

SABAY BUMOTO

SABAY bumoto ang dating magka-loveteam na sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Ipinakita ni Mikee ang video ng pagsasama nila ni Paul sa botohan sa kanyang Instagram.

Suportado ni Mikee ang presidentiable na si Isko Moreno. Kasama sa ticket ng Asenso Manileño ang sister ni Mikee na si Atty. Lady Quuintos, na pinalad manalo bilang isa sa konsehal sa Sampaloc, Manila.

Gumawa naman ng history sa Maynila ang nahalal na mayor na si Honey Lacuna bilang kauna-unahang babaing pinuno ng lungsod habang ang vice mayor-elect niya ay ang aktor na si Yul Servo.

Bumabati kami sa mga nanalo sa aming distrito sa Maynila.