Tirso

Tirso Cruz III itinalagang chair ng FDCP

134 Views

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III bilang chairperson at chief executive ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Si Cruz ay nanumpa na sa tungkulin noong Martes, Hulyo 5.

Ang FDCP ay isang ahensya na nasa ilalim ng Office of the President at siyang bumabalangkas ng mga polisiya at programa upang mapa-unlad ang Philippine film industry.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles pinalitan ni Cruz si Liza Diño-Seguerra na naalis sa puwesto sanhi ng Memorandum Circular No. 1 na nagdedeklarang bakante sa mga piling posisyon sa Executive Department.

Sa ilalim ng MC 1 ang lahat ng coterminous at presidential appointee na umuukupa sa labas ng staffing pattern ng mga ahensya at lahat ng non-Career Executive Service Officials (CESO) na umuupo sa Career Executive Service (CES) positions ay inaalis.