Atienza Eula Atienza ng DLS-Dasmariñas. Photo by Robert Andaya

La Salle-Dasma lusot sa CEU

Robert Andaya May 4, 2024
156 Views

INANGAT ni Eula Atienza ang De La Salle University-Dasmariñas sa kapanapanabik na 84-71 panalo laban sa Centro Escolar University sa 30th NCRAA (National Capital Region Athletic Association) women’s basketball tournament sa Olivarez gymnasium sa Parañaque City.

Umiskor si Atienza ng 28 points sa 11-of-19 na tira, at nagdagdag ng anim na rebounds sa loob ng 27 minutong paglalaro para kay coach Tito Reyes.

Nag-ambag din sina Manicel Solomon at Kyla Talamayan para sa Dasmariñas- based na team ng 16 at 14 points, ayon sa pagkasunod.

May tig-walong puntos naman sina Jayvee Gravador at Jonalyn Bongalos.

Pinangunahan ni Jerell Banih ang laban para sa Lady Scorpions ni coach Mel Gador, na kung saan siya ay nagtapos ng may 16 points at anim na rebounds sa loob ng 21 minuto ng aksyon.

Sinundan ito ni Mai Cadano na may 10 puntos at 10 rebounds.

Nag-ambag din si Nicole Garcia ng siyam na puntos at limang rebounds, habang si Claire Tapinit ay nagdagdag ng walong puntos.

The scores:

DLSU-Dasmariñas (84) — Atienza 28, Solomon 16, Tamayan 14, Bongalos 8, J. Gravador 8, Halian Aldaya 4, V. Gravador 4, Romero 2, Jugalbot 0, Limosnero 0
CEU (71) — Banih 16, Cadano 10, Garcia 9, Cadano 8, Mahusay 7, Gumapo 7, Defeles 5, Duran 3, Britania 0, Ferolino 0
Quarterscores: 22-22, 48-42, 69-53, 84-71