Cotabato Dikdikang sagupaan ng South Cotabato at Negros.

South Cotabato hindi naawat ng Negros

Robert Andaya May 15, 2024
105 Views

SUMANDAL ang South Cotabato sa mainit na mga kamay ni Kyle Tolentino upang biguin ang Negros, 81-74, sa mainit na aksyon sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagpakitang gilas si Tolentino sa kanyang 23 points, kabilang ang pitong triples, walong rebounds at dalawang assists para sa South Cotabato, na umakyat sa 9verall stand8ngs hawak ang.5-2 kartada.

Nag-ambag din sina Christian Fajarito, na may 16 points at pitong rebounds, at John Wilson, na may 14 points at limamg rebounds para sa Warriors.

Nalasap ng Muscovados ang kanilang ika-limang sunod na pagkatalo matapos manalo sa unang tatlong laro.

Nakakuha ang Muscovados ng 20 points, walong rebounds at tatlong assists mula kay Renz Palma, 20 points, limang rebounds at limang assists mula kay Enrique Caunan at 13 points, tatlong rebounds, apat assists at dalawang steals mula kay Hubert Cani.

Ang MPBL, na tinatawag ding “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinataguyod ni boxing legend Manny Pacquiao.

Commissioner si Kenneth Duremdes.

The scores:

South Cotabato (81)- Tolentino 23, Fajarito 16, Wilson 14, Joson 6, Elorde 4, Dumapig 4, J.Cruz 3, Acuna 3, Jamito 2, Rodriguez 2, Dionisio 2, Apreku 2, Cosip 0, Mahaling 0, Lantaya 0.
Negros (74)- Comia 20, Palma 20, Cani 13, Cruz 6, Caunan 4, Longa 3, Capobres 3, Atabay 3, Una 2, Geolingo 0, Antiporda 0, Bacay 0, Alcaide 0, Ramos 0, Pascual 0.
Quarterscores: 13-13, 30-37, 56-52, 81-74.