Bonifacio Bonifacio pakitang gilas sa Pasay.

Pasay lusot sa Iloilo

Robert Andaya May 15, 2024
115 Views

DUMAAN sa butas ng karayom ang Pasay Voyagers bago itala ang 81-77 panalo laban sa Iloilo United Royals sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagsanib pwersa sina Warren Bonifacio, Laurenz Victoria, AJ Coronel at Patrick Sleat upang pamunuan ang Voyagers sa kanilang ika-limang panalo sa pitong laro sa 29-team regional tournament na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.

Si Bonifacio , na napiling ” Best Player” sa laro, ay nagtapos ng may 22 points, 10 rebounds at apat na assists para sa Voyagers.

Ang triple ni Bonifacio ay nagbigay din sa Voyagers ng 77-68 kalamangan.

Si Victoria ay may 18 points, anim rebounds, limang assists at two steals, habang sina Coronel af Patrick Sleat ay may tig nine points para sa Passy, na nagpakawala ng 10 sunod na puntos sa simula ng third quarter para iposte ang 54-36 kalamangan.

Ang Iloilo ay nakakuha ng 19 points at 8 rebounds mula Clint Doliguez, 12 points at 9 rebounds mula CJ Cansino, at tig 11 pointlts mula CJ Catapusan ar Mark Nonoy.

The scores:

Pasay (81)– Bonifacio 22, Victoria 18, Coronel 9, Sleat 9, Reverente 7, Salenga 4, Hilario 4, Tabi 3, Caballero 3, Inigo 2, Sobrevega 0, Sienes 0, Aguirre 0, Ramirez 0, Lustina 0.
Iloilo ( 77) — Doliguez 19, Casino 12, Catapusan 11, Nonoy 11, Credo 9, Capacio 4, Imperial 2, Berjay 2, De La Rosa 2, Ongteco 2, Rangel 2, Jeruta 1, Javelosa 0, Gomez 0, Diaz 0.
Quarterscores: – 20-20, 44-35, 63-51, 81-77.