Alday Alwyn Alday maaasahan ng Rizal XentroMall.

Rizal ratsada sa MPBL

Robert Andaya May 15, 2024
113 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Rizal XentroMall bago tuluyang pabagsakin ang Quezon City TODA Aksyon, 71-59, para sa ika-lima nitong panalo sa pitong laro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagtala si Alwyn Alday ng 17 points, 10 rebounds at three assists sa 35 minutes na aksyon para sa Golden Coolers, na lumamang ng 20 puntos, 51-31, para sa panalo sa elimination round ng sikat na 29-team regional league.

Napili si Alday bilang ” Best Player” sa nasabing laro.

Nakatulong niya sina Kraniel Victoria, na may 14 points, 9 rebounds, 6 assists at 5 steals at homegrown player John Apacible, na may 11 points at 11 rebounds.

Nanguna sina Rafael Are sa kanyang 11 points, Jason Ballesteros sa kanyang 9 points at 11 rebounds at Jerie Pingoy sq kanyang 8 points, 5 rebounds at 2 steals. Para sa Quezon City na bumaba sa 3-4 kartada.

Dadayo ang MPBL sa Batangas City Coliseum, na kung saan maghaharap ang Mindoro at Abra simula 4 p.m., San Juan at Bicol sa 6 p.m., at Davao at Batangas sa8 p.m.

The scores: 

Rizal (71)– Alday 17, Villoria 14, Apacible 11, Pingoy 8, Argente 6, Dela Cruz 5, Balagtas 4, Lao 4, Alonzo 2, Jimenez 0, Timajo 0, Davis 0, Agovida 0, Serrano 0, Casino 0.
Quezon City (59)- Desoyo 11, Ballesteros 9, Roman 8, Tauto-An 7, Sawat 6, Gesalem 6, R.Are 5, Tibayan 5, Mosqueda 2, M.Are 0, Cosari 0, Berjay 0, Nimes 0, Cauilan 0, Bienes 0.
Quarterscores: – 19-13, 36-26, 56-45, 71-59.