Liza

LAB For All ni First Lady Liza Marcos umabot na sa Mindanao

Chona Yu May 9, 2024
31 Views

UMABOT na sa Mindanao ang programang “LAB For All” ni First Lady Liza Marcos, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamimigay ng ayuda sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City, sinabi nito na nagbibigay na rin ng tulong ang Unang Ginang sa mga residente sa Mindanao.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Marcos na nagbibigay na rin ng tulong ang “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” ng Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“Nais ko rin paalalahanan ang lahat na pangalagaan natin ang ating kalusugan.

Kasama din natin ang ating House Speaker bukas na maghahatid ng tulong sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at ang tanggapang ng Unang Ginang (LAB4All),” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nakahanda ring magbigay ng tulong ang Department of Health.