Frasco

Rep. Frasco makatao, maka-estudyante

Mar Rodriguez May 10, 2024
58 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Mambabatas namigay ng scholarships, laptops; pinasinayahan infra projects

NAMAHAGI si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ng scholarships para sa mga estudyante ng Camotes Island.

Sinabi ni Frasco na muli siyang nagtungo sa Camotes Island para mamahagi ng scholarship para sa “Team Frasco” scholars sa nasabing Isla para sa school yeear 2023-2004.

Ayon kay Frasco, ginanap ang distribution ng scholarships sa Municipality Gym ng San Francisco. Pinangunahan mismo nito ang pamamahagi ng P8,812,000 scholarship grant sa mahigit 2,203 estudyante o recipients mula sa San Francisco, Poro, Tudela at Pilar sa Camotes Island.

Pinangunahan din ni Frasco ang pagkakaloob ng sports at musical equipment para sa tatlong paaralan sa Camotes Island.

Hindi rin nakaligtaan ni Frasco ang mamahagi ng limang laptops sa pamamagitan ng raffle para sa limang mapalad na scholars.

Nauna rito, pinangunahan ni Frasco ang groundbreaking para isasagawang road concreting projects na nagkakahalaga ng P25 million para matulungan ang mga residente ng Liloan upang maging maginhawa ang kaniyang pagbibiyahe sa pamamagitan ng maayos na kalsada.

Pinasinayahan din ni Frasco ang isa pang road concreting project ng Ka Paz Road sa Barangay Catarman na nagkakahalaga ng P5 million para pagaanin ang travel time ng mga residente ng Barangay Catarman patungo sa kanilang negosyo, trabaho, paaralan at kabuhayan.