OWWA

Labi ng 4 OFW na nasawi sa sunog sa Taiwan naiuwi na

166 Views

DUMATING na sa bansa ang labi ng apat na overseas Filipino worker na nasawi sa isang sunog sa Taiwan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga labi ay nailabas na ng mga kaanak sa cargo center sa Parañaque City.

Nakiramay ang mga opisyal at tauhan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at OWWA sa mga kaanak ng mga nasawi.

Nagbigay din ng tulong ang MECO at OWWA sa pamilya ng mga biktima ng sunog sa pabrika ng Lian-Hwa Foods Corporation isaChanghua county sa central Taiwan noong Abril 25.