Sen. Lacson

Lacson: Bagong findings ng NBI ‘di saklaw ng trial

29 Views

HINDI na maidaragdag sa ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa mga ari-ariang iniuugnay sa kanya, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Kabilang sa mga iniharap na ebidensya ng prosekusyon ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente at ilan sa kanyang mga ari-arian. Pero hindi raw kasama rito ang pinakahuling natuklasan ng NBI.

“Itong mga bagong pinakita ng NBI, hindi naman ito nasaklaw eh,” ani Lacson sa isang panayam.

Anumang karagdagang matuklasan ng NBI ay maaaring isaalang-alang ng Office of the Ombudsman bilang posibleng kasong kriminal, dagdag niya.

Isinangguni na daw ng NBI ang mga natuklasan nito sa Ombudsman at sa Department of Justice.

Itinanggi naman ng Bise Presidente na pag-aari niya ang isang lupang iniugnay ng NBI sa kanyang SALN.

Kinuwestiyon din umano niya ang paggamit ng NBI ng pondo ng bayan sa imbestigasyon.

Isang artikulo na lang ng impeachment ang dinidinig ng Senado matapos bawiin ng prosekusyon ang tatlo sa apat na artikulo.