Hot News

Lacson: Dapat imbestigahan kung sino nagpaputok, ano ang motibo.

75 Views
Lacson
Source: Ping Lacson FB

NANAWAGAN si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng imbestigasyon sa napaulat na putukan sa loob ng Senate building, kasabay ng pagsabing kailangang matukoy kung sino ang nagpaputok, kanino nakatutok ang putok, at ano ang motibo sa likod ng insidente.

Sinabi ni Lacson na ligtas ang kanyang staff na naiwan sa loob ng Senado, at wala ring ulat ng nasaktan o nasawi matapos ang kaguluhan.

“Chaos, guns fired inside the Senate building. Checked my staff, they’re all safe. Thank God no reports of casualties or injuries,” sabi ni Lacson sa isang post.

“Next thing to do is investigate to find out who fired his/their gun/s, at whom and most importantly, the motive,” dagdag niya.

Nangyari ang insidente habang naka-lockdown ang Senado sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa at mga ulat ng tangkang pag-serve ng ICC-related arrest warrant.

Nauna nang sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na kinumpirma ng Sergeant-at-Arms ang ulat ng putukan sa loob ng gusali, habang itinanggi naman ng National Bureau of Investigation na sangkot ang mga ahente nito.

Sinabi ni NBI Director Melvin A. Matibag na naka-stand down ang bureau personnel at walang NBI agents na pumasok sa Senate premises nang mangyari ang insidente.

Ang panawagan ni Lacson para sa imbestigasyon ay ginawa habang patuloy na bineberipika ng mga opisyal kung ano ang nangyari sa loob ng Senate building at kung sino ang nasa likod ng napaulat na putukan.