Cayetano Pormal na tinanggap nina Senate Secretary Mark Llandro “Dong” L. Mendoza at Deputy Secretary for Legislation Atty. Marivic Laurel Garcia ang mga Artikulo ng Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte mula sa kanilang katapat na si House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil noong Miyerkules, Mayo 13, 2026. Tinanggap ng Senado ang mga selyadong kahon na naglalaman ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga paglilitis ng impeachment laban kay Duterte bandang alas-7:22 ng gabi. Bahagi ng ipinadalang mga dokumento ang House Committee Report No. 261 kaugnay ng House Resolution No. 989 na pinamagatang “Resolution Setting Forth the Articles of Impeachment Against Vice President Sara Z. Duterte,” kasama ang mga kalakip nito at mga USB device na naglalaman ng mga kopya ng nasabing mga dokumento. Senate of the Philippines

Putukan nangyari matapos makarating Articles of Impeachment sa Senado

174 Views

Cayetano1Cayetano2Cayetano3Cayetano4SINABI ni Senate President Alan Peter Cayetano na nakarating na sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at nasa caucus ang mga senador nang magdulot ng lockdown tension ang napaulat na putukan sa loob ng kapulungan.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa gitna ng tensyon sa Senado, kung saan sinabi niyang kinumpirma ng Sergeant-at-Arms ang ulat ng putukan at pinagsabihan ang mga senador at staff na manatili sa loob ng kani-kanilang kuwarto.

“We have received the Articles of Impeachment. It is here. We are having a caucus how we will address that. So why is this happening at bakit may putukan na dito?,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na hindi naging malinaw ang sitwasyon sa loob ng Senado, kaya nanawagan siya sa mga ahensya ng gobyerno na tumugon at linawin kung ano ang nangyayari.

“May putukan na po dito. So sa lahat ng nakikinig, please, DND, DILG, what is happening? NBI, what is happening?,” sabi niya.

Ayon kay Cayetano, nakakulong sa kani-kanilang kuwarto ang mga senador at staff at hindi agad makagalaw sa loob ng gusali.

“Everyone’s locked in their rooms now. We cannot go out. We cannot secure our other staff. This is the Senate of the Philippines,” ani Cayetano.

Sinabi rin ni Cayetano na kinailangang patayin ang mga ilaw sa Senado bilang pag-iingat habang sinusubukang makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

“So Senator Loren and Senator Pia finally got in touch with the NBI director. They’re here in the room. We have to turn off the lights dahil may putukan na nangyayari,” sabi niya.

Kalaunan, pinayuhan niya ang mga nasa loob ng Senado na yumuko at sundin ang safety protocols.

“So the rest, mga nasa Senate, turn off the lights. Stay low. Kung may active shooters, follow the protocols,” ani Cayetano.

Nangyari ang napaulat na insidente matapos makarating sa Senado ang impeachment articles, ngunit hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung ano ang nagpasimula ng scare, sino ang sangkot, o kung kumpirmadong putok ang mga narinig na tunog.